And I haven’t even started yet with my Spanish take-home exam.

I’m so doomed. Nobody cares anyway

Ang itim ko. Hahahaha irrelevant.

I, Red and Ate Kyle. Yeah, masyadong absorbed si Red sa panonood nya ng VIXX videos. Yep, I influenced my siblings to love Kpop. Lol May kanya-kanya kaming favorite. And si Red? VIXX lang talaga. Paulit-ulit yon. It’s hard to remove it on his system. Kaya naririndi na ako sa VIXX minsan e. And hindi ko maremove yung mga old videos nila sa iPod. 30 percent ng videos puro VIXX tpos 50 percent EXO. The rest are who knows who lmao.

113th Foundation Week of PNU.

We are celebrating the 113th Foundation of our university for a whole week but we still have regular classessucks huh?

Pero walang first subject bukas. tapos break, tapos ang alam ko, wala ding Philippine Literature…

So ang magiging start talaga ng class namin is 1pm.

Pero may booth kami na kailangan asikasuhin. Susunduin ko pa rin si Jai ng 7 am. Aayusin pa rin namin yung booth, magpapakabait na naman ako sa buong student body for the sake of our org despite all the insults and criticisms we receive from them. /sigh/

MAHIRAP MAKISAMA.

whatever. Ano na naman ba pinaglalaban ko?

Ah. Tinatamad kasi talaga akong pumasok. peste

3 SNS are open, 5 documents for school requirements are all open, iTunes is also open, and Quickplayer is also open for studying Ring Ding Dong all in one time. This is what you call talent. ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ

3 SNS are open, 5 documents for school requirements are all open, iTunes is also open, and Quickplayer is also open for studying Ring Ding Dong all in one time. This is what you call talent. ㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋㅋ

Walang kwentang usapan ng mga sunbaes at haksaengs.

  • Jen: Niload-an sya ng boyfriend nya ng 1k kaya siya nanalo ng SVIP ticket sa SS5. Ang swerte niya, parang gift na din sakanya nya yon ng bf nya. Siguro mahal sya non.
  • All: Oooooooooooooh.
  • Me: Sus. Kaya nga magboboyfriend na din ako para sa TLP e. putek hahahahaha
  • Miah: Kelangan mo ng dalawang boyfriend, Sel. KNation remember?
  • All: /laughs/
  • Me: Wala na akong pag-asa guyth. Hahahaha
queenofdumb;
Relax babes that's a different Hansol in SM-rookies. There just seem to be quite an increase of Hansol-s in Kpop recently..

Like the increase of Kpop idols with “Tae”s? Okay. Lmao

"Pabayaan niyo na yan dyan. Wala naman pakialam nanay nyan sa batang yan e."

6:30pm. Lumabas kami ni Ate ng unit. Lumabas kami ng building. Siya, papunta ng Puregold para magpaprint, ako sa internet cafe 10 blocks away from the building, para masatisfy ang kagustuhan kong magspazz sa pinakamamahal kong fandoms.

Yung building kung saan kami nakatira, nasa boundary ng Pasay at Makati. Kapag kumaliwa ka palabas ng building, sa Pasay ka papasok. Kapag naman kumanan ka, sa Makati ka lalabas.
Ganito kasimple, kapag kailangan naming magpaprint o pumunta sa Libertad, yung daang papuntang Pasay yung gagamitin namin. Kapag gusto naman naming kumain, sa Makati kami pupunta.
Kapag pumapasok ako sa school, yung daan papuntang Pasay yung laging ginagamit ko. Mas malapit kasi yon sa LRT.


Sanay na ako sa maingay na mga taga-squatter na nadaraanan ko, ganon naman araw-araw, gabi-gabi. Sanay na din ako sa mga sigawan, sa baho, sa kalat sa daan. Ang hindi ko lang talaga makasanayan e yung mga bata an pinapabayaan ng magulang nila. Kapag nakikita ko sila, ang tanging nasa isip ko lang. "Asan ang mga magulang nila? Bakit hinahayaan lang sa daan na walang saplot sa katawan at sa paa? Bakit ang liliit ng mga batang ‘to? Bakit walang pakialam ang mga tao sa paligid nila? Sanay na ba silang makita silang ganyan?"

"Kung mayaman lang talaga ako, at kaya kong tulungan ang mga ‘to, ginawa ko na."
Noong nakatira pa ako sa Pampanga at pumupunta lang ako sa Manila para bisitahin yung mga kapatid ko, kapag may nanghihingi ng pagkain sa’kin na bata, binibigyan ko. Ang kaso, umabuso sila na umabot na sa pera ang hinihingi nila sa’kin at tinawag pa ang tropa nila para handugan ko silang lahat. Tinigil ko.
Mula non, hindi na’ko nagbibigay ng kahit ano sakanila.

Kanina, pagkalabas pa lang namin ng Building2, may naririnig na akong umiiyak na bata, hindi ko na lang pinansin, wala naman akong magagawa e. Nag-uusap pa kami ni Ate, kinukwento ko sa kanya yung mga nangyari sa akin kahapon sa office. (May sariling office kasi yung prof na pinag-e-SA-an ko sa QC) Yung mga ginawa kong trabaho. Natatawa pa sya dahil napakaridiculous ng mga pinag-gagawa ko dahil sa antok ko nong mga oras na dapat ay tinatapos ko na yung trabaho ko. Kaso napatigil ako at hinila ko sya sa nakita ko. May batang nakahiga sa gitna ng daan, walang saplot, umiiyak. Naawa ako sa bata, nagalit ako sa mga tao sa paligid. Ilang oras ng ganon yung bata? Bakit walang tumutulong sakanya? Sinubukan kong buhatin yung bata. Tumingin ako sa paligid para humingi ng tulong. Pero, ganon lang din ang ginawa nila. Nakatingin. Inaabangan kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko sila pinansin. Para sa akin, irrelevant sila sa buhay ko. At sa community na kinabibilangan ko.

Ate: Hindi ganyan tamang pagbuhat dyan.

Me: Oh ikaw. Magbuhat.

(Sa totoo lang, ayaw sumama sa’kin nung bata. Namumukhaan ko siya, kamukha niya yung isa sa mga batang minsan ko nang tinuruan sa Sunday School nung YV pa ako.)

Me: Asan ang mga magulang nito?

Ate: Malay ko. Itanong mo kaya?

At yun nga nagtanong ako. Ayoko talagang ginagawa ‘to. Ang tanging mga taong kinakausap ko ng matino sa lugar na ‘yon ay yung mga tindera. Kasi may kailangan ako sakanila. At alam kong may kailangan din sila sa’kin.

Sila lang at wala nang iba pa.

Me: Tao po! May mga tao po ba dyan!

(Pinagmasdan ko yung bahay sa tapat namin na parang ngayon ko lang yon nakita. Tagpi-tagpi. Jumper ang linya ng kuryente, may motor, may washing machine, may internet connection at aircon.)

Ha. Daig pa kami.

Someone: BAKIT?

Galit na galit.

ito ang dahilan kung bakit ayoko makipag-kausap kahit kanino.

Me: May tao po dito sa tapat ng bahay niyo, nakahiga sa daan, umiiyak at walang damit.

unti-unting humina ang boses ko, naaawa na kasi talaga ako sa bata, ayaw tumahan kahit pinapatahan na namin siya. Ayaw niyang sumama sa’min.

Someone: HINDI SAMIN YAN! DON YAN SA LIKOD! PABAYAAN NIYO NA YAN! WALA NAMAN PAKIALAM ANG NANAY NYAN E! NAGLALASING LANG YON! TRESE PA NGA ANAK NON AT MAY SANGGOL PA SA LIKOD! PINABAYAAN!

May dalawa kaming options, dalhin sa police station or so barangay hall. Napakalapit lang ng dalawa. Tanaw-tanaw nga kami nung tanod mula sa pwesto nya e.

Me: Ate, dalhin na natin yan sa Police Station.

Nagulat si ate.

Ate: Sa station?

Me: Oo, anong gagawin natin sakanya? Dalhin sa bahay. hindi na nga tayo kasya e.

Tumahimik si Ate. Alam ko iniisip nya. Masyado kasing maarte sa parehong panig. Kung ano-ano itatanong pero walang nagaganap na aksyon, sayang sa oras.

Lumabas yung mga tao mula sa bahay na pinagtanungan ko. Tipikal na itsura ng isang taong pinagkaitan ng ginhawa sa buhay pero nakakagawa ng paraan para mabuhay.

Boy: Wala yung nanay niyan, pabayaan niyo na yan.

Girl: trese yang mga yan. May sanggol na maliit pa sa likod, iniwan.

umuulit lang ang mga sinasabi niyo.

Me: E yung mga kapatid po nila asan?

Girl: Malay ko.

/desperate look/

Me: Ate. Dalhin na natin sa police station…. Bakit kasi nagpapakabulag ang mga tao sa tunay na problema sa lugar na’to.

Ate: /laughs quietly/ Grabe. Kami nga seven, pero hindi ganito.

Oo nga. Marami rin kami. Pito. Kapag nalalaman ng ibang tao na pito kami magkakapatid at tatlo pa samin may special needs, pinagtatawanan, kinakantiyawan, kinukutya at kinakaawaan kami.

Pero hindi kami ang nakakaawa, yung ibang tao. O mismong mga taong nangungutya sa’min dahil hindi nila kami kilala at hindi nila alam ang mga kaya naming gawin.

Girl: Pwede nga isumbong sa pulis yung nanay nya e.

Me: /smiles/ Alam niyo po pala yon. Sana matagal niyo nang ginawa.

Nilayasan ako ng babae, at dumating pa ang mga ibang tao para maki-usosyo.


Hindi na namin kinausap yung mga taong walang sense naman talaga kung kakausapin pa. Napagdesisyunan na lang namin ni Ate na iuwi sa bahay nila yung bata. Yung daan papunta sa kanila, sobrang dilim at sobrang baho. Wala akong tolerance sa ganon kaya siya na lang mag-isa ang pumunta don. Tumahan yung bata nung binuhat siya ni Ate, nakatulog. Sabi ni Ate sa’kin. Grabe ang liit nung tirahan nila, hindi niya alam kung paano nagkakasya yung labing tatlong mga bata don.

Me: /smiles/ Hindi rin kalakihan yung tinitirhan natin. Pero nagkakasya tayong pito don ate. Studio type lang yon diba?

Nung binaba ni ate yung bata, umiyak daw bigla, pero tumigil din. Hinintay nya muna talagang pumayapa ang himbing ng dalawang bata, bago sya umalis kaya natagalan sya para balikan ako.

Ate: Grabe ang liliit nila. Lalo na yung sanggol. Kasya sa isang shoe box. Sa tingin mo ilang taon na yung bata?

Me: Sa katawan niya, one-year old. Pero nahawakan ko yung ulo ng bata, feeling ko nasa 4 years old na sya. Sobrang malnourished lang.

Ate: Naalala ko yung joke ni Mommy satin.

Me: ….

Ate: Yung, “pasalamat kayo hindi ko kayo finlush sa toilet”

napangiti na lang ako.

Lagi kong kalkulado ang mga galaw at plano ko. Kahit ang mga pagdedelay ko sa mga gawain ko ay alam ko. This time, naubos ang 15 minutes ko. Pero hindi ko yon masasabi na, napunta sa walang katuturan na bagay. Dahil sa 15 minutes na iyon, tumulong kami ng kapatid ko. Pero hanggang ngayon iniisip ko kung sapat ba ang pagtulong na nagawa ko? Bago ako makapasok sa premises ng building ngayong pag-uwi ko, dadaan ulit ako kung saan ko nakita yung bata.

Babalik kaya sya doon? Makakasalubong ko kaya ang mga magulang o kapatid niya? May mga tumulong na kaya sa pamilya nila?

Masyadong malungkot ang mundong ginagalawan ng mga tao ngayon. May mga solusyon sa bawat problema. Ang kaso’y walang nagkukusa para gawin ito. Maraming may kayang iresolba ang lahat, pero walang gumagawa. May mga taong may paki-alam pero hindi sapat ang kakayahan para baguhin ang mundo.

Kung sana lang ay lahat ng tao may nagkaka-isang isip, puso at diwa. Kung sana lang ay lahat ng mga politiko ay tinutupad ang mga pangako nila.

Kung sana lang ay lahat ng tao ay sisimulang tingnan at intindihin ang paligid bago ang sarili nila.

Kung sana lang talaga.

feelinranty:

necessary-sass:

curlybrownboy:

belindapendragon:

kobetyrant:

HOW IS THIS NOT EVERYWHERE?

Reblogging this good news…again.

y’all know EXACTLY why this isn’t everywhere. don’t pretend to be oblivious

Well let’s spread the word then guys. This kid deserves all the attention.

"Ramarni, what will you do when you grow up?"
"Literally everything."
So excited when I hear stories like this because imagine what he will accomplish

feelinranty:

necessary-sass:

curlybrownboy:

belindapendragon:

kobetyrant:

HOW IS THIS NOT EVERYWHERE?

Reblogging this good news…again.

y’all know EXACTLY why this isn’t everywhere. don’t pretend to be oblivious

Well let’s spread the word then guys. This kid deserves all the attention.

"Ramarni, what will you do when you grow up?"

"Literally everything."

So excited when I hear stories like this because imagine what he will accomplish